
Nanatiling bukas ang RFID installation para sa mga 400cc scooters, taliwas sa mga kumakalat na alegasyon online. Nilinaw ng mga namamahala sa tollways na hindi ipinagbabawal ang aplikasyon ng RFID para sa ganitong uri ng motorsiklo. Ang kinakailangan lamang ay masusing beripikasyon ng detalye ng sasakyan bago ito tuluyang payagang makagamit ng expressways.
Dahil sa pagdami ng entry-level big bikes at maxi-scooters, mas pinahigpit ang proseso ng pag-check ng dokumento. May mga insidente kasing napag-alamang mali o minanipulang rehistro, partikular sa displacement ng makina. Upang maiwasan ito, hinihiling ngayon ang pagsusumite ng opisyal na rehistro ng sasakyan at pakikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) para makumpirma ang aktwal na engine displacement.
Kapag napatunayang lehitimo ang 400cc requirement, agad na kokontakin ang may-ari para sa iskedyul ng RFID installation. Paalala sa mga rider: ang pagsunod sa tamang proseso ay hindi lamang para sa mabilis na biyahe, kundi para rin sa kaligtasan, legalidad, at patas na paggamit ng mga tollway sa bansa.




