
Ang Prime Minister ng Japan na si Sanae Takaichi ay nagsabi na naglabas siya ng seryosong pangamba kay President Xi Jinping tungkol sa mga isyu sa South China Sea, Hong Kong, at Xinjiang sa kanilang unang pagpupulong sa APEC Summit sa South Korea.
Si Takaichi, na kauna-unahang babaeng prime minister ng Japan, ay matagal nang kilala bilang mahigpit laban sa China. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang nais pa rin niyang mapanatili ang mabuting ugnayan at direktang pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa.
Binanggit din niya ang Senkaku Islands (na tinatawag na Diaoyu ng China), kung saan madalas magharap ang mga barko ng Japan at China. Tinalakay rin niya kay Xi ang isyu sa export controls at rare earth materials na mahalaga sa mga industriya, pati na ang kaligtasan ng mga Japanese na nasa China at pagpapalaya sa mga nakakulong na mamamayan ng Japan.
Dagdag pa rito, iginiit ni Takaichi ang kahalagahan ng kapayapaan sa Taiwan Strait para sa seguridad at katatagan ng rehiyon. Si Takaichi ay kilala ring tagasuporta ng Taiwan at ng kooperasyon sa depensa kasama ang Estados Unidos, kung saan may humigit-kumulang ₱3.5 trilyon halaga ng pondo para sa defense budget ng Japan ngayong taon.
Ayon sa mga eksperto, ang pagpupulong ay maaaring maging malamig na simula, ngunit parehong panig umano ay nais ng katatagan at kooperasyon sa rehiyon.




