
Ang Samsung Galaxy Z Fold7 ay isang maganda at napaka-capable na foldable phone na bagay para sa mga business users. Manipis ito, magaan (215g lang), at premium ang itsura. Kapag naka-fold, parang normal na phone; kapag binuksan, napakalaki ng screen—perfect para sa multitasking.
Mayroon pa rin itong crease sa gitna, pero hindi na gaanong halata kapag naka-light mode. Ang disenyo ay elegante at solid ang pagkakagawa, kaya ramdam mong high-end ang hawak mo.
Para sa specs, loaded ito: Snapdragon 8 Elite processor, 12GB RAM, at 256GB storage (hanggang 1TB). Ang cover display ay 6.5-inch AMOLED, at ang main display ay 8-inch AMOLED—parehong may 120Hz refresh rate. May 200MP main camera, 12MP ultra-wide, at 10MP telephoto na may 3x optical zoom.
Medyo maliit ang 4400mAh battery na may 25W charging, pero tumatagal pa rin ito ng buong araw dahil efficient ang processor. Maganda ang screen para sa photos at documents, pero kapag nanonood ng videos, may black bars dahil sa square shape ng screen.
The camera performance ay halos kasing ganda ng sa S25 Ultra. Natural na ang kulay at malinaw ang mga kuha. Sa presyo na nasa humigit-kumulang ₱105,000, sulit ito para sa mga professionals na kailangan ng productivity at multitasking sa isang eleganteng foldable phone.




