
The dating Bise Presidente ng Estados Unidos na si Dick Cheney ay pumanaw sa edad na 84, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya. Namatay siya dahil sa komplikasyon ng pulmonya at sakit sa puso at ugat.
Si Cheney ay nagsilbing ikalawang pangulo ni dating Pangulo George W. Bush mula 2001 hanggang 2009. Isa siya sa mga pinakamakapangyarihang bise presidente sa kasaysayan ng Amerika, kilala sa kanyang malakas na impluwensya sa mga desisyon ng pamahalaan.
Ipinanganak siya sa Lincoln, Nebraska noong Enero 30, 1941, at lumaki sa Wyoming. Nag-aral siya sa Yale University ngunit hindi ito natapos at kalaunan ay nagtapos sa University of Wyoming sa kursong Political Science.
Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika noong 1978 bilang Kinatawan ng Wyoming sa Kongreso ng US. Noong 1989, siya ay hinirang na Kalihim ng Depensa ni Pangulo George H.W. Bush at namuno sa Gulf War noong 1990–1991, kung saan pinamunuan ng US ang pagpalayas sa mga tropang Iraqi mula Kuwait.
Bilang Bise Presidente, naging isa siya sa mga nanguna sa pagdedesisyon ng invasion sa Iraq matapos ang September 11, 2001 attacks. Ang kanyang maling pahayag tungkol sa sandatang kemikal ni Saddam Hussein ay naging dahilan ng pagsuporta sa digmaan noong 2003.

