
The isang military helicopter ay bumagsak sa Loreto, Agusan del Sur nitong Martes, kung saan anim na sundalo ang kumpirmadong nasawi ayon sa Armed Forces of the Philippines - Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Narekober sa crash site ang anim na bangkay na pinaniniwalaang mga pilot at crew ng Super Huey helicopter. Hindi muna isinapubliko ang kanilang mga pangalan habang hindi pa naipapaalam sa kanilang mga pamilya.
Ayon sa ulat, ang Super Huey ay papunta sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Tino upang magbigay ng tulong sa disaster response. Nawalan ito ng komunikasyon habang nasa biyahe mula Davao papuntang Butuan kasama ang tatlo pang chopper para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation matapos mawalan ng signal ang helicopter. Nakita ng mga residente ang tila mga nasunog na katawan sa lugar ng insidente. Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Air Force para malaman ang sanhi ng aksidente.
Ang EastMinCom ay humihiling ng dasal at pang-unawa mula sa publiko habang nagpapatuloy ang kanilang operasyon at pagsusuri sa malungkot na pangyayaring ito.




