
The mga awtoridad sa Nigeria ay nag-aresto ng 25 kabataan na pinaghihinalaang nagsagawa ng kasal ng magkaparehong kasarian sa lungsod ng Kano. Ang insidente ay nangyari sa isang event center matapos makatanggap ng tip mula sa mga residente.
Ayon kay Mujaheed Abubakar, deputy head ng Hisbah o sharia police, kabilang sa mga inaresto ay 18 lalaki at 7 babae, lahat ay nasa edad 20 pataas. Kabilang dito ang dalawang lalaki na sinasabing ikakasal.
Sinabi ni Abubakar na isa sa mga lalaki ay “nagplano na pakasalan ang isa pang lalaki” sa naturang pagtitipon. Patuloy ngayon ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa kanila.
Sa ilalim ng batas ng Sharia sa 12 estado ng hilagang Nigeria, ang homosekswalidad ay may parusang kamatayan, bagaman hindi pa ito kailanman naisagawa. Noong 2014, ipinasa rin ng pamahalaang pederal ang batas na nagbabawal sa kasal ng parehong kasarian at maaari itong humantong sa pagkakakulong ng hanggang 14 na taon.
Sa mga nagdaang taon, marami na ring inaresto ng Hisbah dahil sa mga umano’y kasal ng parehong kasarian, ngunit wala pang nahahatulan sa korte.




