
The kantang “Golden” ng HUNTR/X mula sa KPop Demon Hunters ay nag-top sa Billboard Hot 100 ng anim na sunod-sunod na linggo. Ito na ang pinakamahabang No.1 soundtrack song ng dekada.
Nalampasan na ng “Golden” ang kantang “We Don’t Talk About Bruno” na tumagal lang ng limang linggo sa No.1 noong 2022. Sa huling sampung taon, tanging “See You Again” ni Wiz Khalifa kasama si Charlie Puth lang ang mas mahaba, na nanatili sa No.1 ng 12 linggo.
The HUNTR/X ang unang K-pop female group na nakaabot sa Hot 100 No.1 matapos ang release nitong Agosto. Ito rin ang unang animated group na nanatili ng ganito katagal sa itaas ng chart sa loob ng 67 taon.
Kasabay ng “Golden,” tatlong kanta pa mula sa soundtrack ang nasa Hot 100 Top 10 ng limang linggo. Kabilang dito ang “Soda Pop” ng Saja Boys (No.5), “Your Idol” (No.6), at “How It’s Done” ng HUNTR/X (No.8).
Sa kasalukuyan, ang tagumpay ng “Golden” ay hindi lang sa musika kundi pati sa kultura, at inaasahang magpapatuloy pa ang rekord nito sa mga darating na linggo.