The mga researchers sa Dartmouth College sa US ay naniniwalang kayang tumulong ng AI sa mental health care. Ang app nila na tinawag na Therabot ay ginawa para tumulong sa mga taong may anxiety, depression, at eating disorders—lalo na ngayong kulang na kulang ang mga therapists.
Ayon kay Nick Jacobson, professor sa data science at psychiatry, kahit magdagdag pa ng maraming therapists, hindi pa rin ito sapat para sa dami ng nangangailangan. Kaya naman, gusto nila ng bagong paraan para maabot ang mas maraming tao.
May clinical study na ipinakita na epektibo ang Therabot. May plano rin ang team na ikumpara ito sa tradisyunal na therapy. Gusto ng mga researchers na safe at reliable ang AI, kaya halos anim na taon nilang pinag-aralan ito.
Ayon kay Vaile Wright ng American Psychological Association, may potential ang mga AI chatbot basta ito ay gawa ng eksperto at may tamang science. Pero nagbigay din siya ng babala lalo na para sa mga kabataang users, na pwedeng maloko ng apps na ginawa lang para sa kita.
Plano ng Therabot team na gawing nonprofit ang app para matulungan din ang mga hindi kaya magbayad ng personal na therapy. Gusto nilang buuin ang tiwala ng users at siguraduhin ang kaligtasan. Sa panahon ngayon, hindi basta-basta ang AI therapy—pero para sa ilan, ito na ang laging available na kausap sa oras ng problema.