





The EU ay planong umatras sa dating 2035 BAN sa PETROL at DIESEL na sasakyan. Sa halip na 100% bawas sa CO2, gagawin na lang itong 90% REDUCTION. Ibig sabihin, puwede pa ring magbenta ng bagong sasakyang may ICE (INTERNAL COMBUSTION ENGINE) matapos ang 2035.
Malaking balita ito para sa MOTORCYCLE INDUSTRY. Bababa ang pressure sa mga brand na pilitin ang FULL ELECTRIC bikes kahit hindi pa handa ang merkado. Hanggang ngayon, mahina pa rin ang demand sa ELECTRIC MOTORCYCLES, lalo na sa long rides at daily use.
Para sa UK, posibleng sumunod ito sa desisyon ng EU. Dahil dito, maaaring maapektuhan ang 2030 ICE BAN ng gobyerno. Ayon sa mga eksperto, hirap pa rin ang bansa sa CHARGING, TAX, at mababang bentahan ng ELECTRIC VEHICLES, kaya mukhang mananatili muna ang PETROL POWER sa kalsada.




