
Ang Polaris Inc. ay nagpasya na gawing hiwalay na kumpanya ang Indian Motorcycle. Isa itong malaking pagbabago sa kanilang estratehiya matapos hawakan at buhayin muli ang tatak noong 2011.
Sa kasunduan, bibilhin ng private equity firm Carolwood LP ang malaking bahagi ng Indian Motorcycle habang mananatili ang Polaris na may maliit na bahagi. Target na matapos ang transaksyon sa unang bahagi ng 2026, upang mabigyan ng mas malinaw na direksyon ang parehong kumpanya.
Aabot sa 900 empleyado mula sa pabrika sa Iowa at Minnesota, pati na rin sa design center sa Switzerland, ang lilipat sa bagong kumpanya. Itatalaga si Mike Kennedy bilang CEO upang pamunuan ang Indian Motorcycle bilang isang independent brand.
Inaasahan ng Polaris na ang spin-off ay magdadagdag ng kita ng humigit-kumulang ₱2.9 bilyon (USD 50 milyon) at makakadagdag ng halos ₱58 kada share (USD 1.00) sa kanilang earnings.
Itinatag noong 1901, muling nabuhay ang Indian Motorcycle sa ilalim ng Polaris at ngayon ay nakahandang magpatuloy bilang isang malayang tatak na tututok sa inobasyon, mas maraming modelo, at mas malakas na presensya sa buong mundo.