
The Hidilyn Diaz-Naranjo, unang Olympic gold medalist ng Pilipinas, ay opisyal na magsisimula bilang guro sa UP College of Human Kinetics (UP CHK) sa Enero 2026.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Diaz-Naranjo na nakipagpulong siya sa College Executive Board ng UP-CHK bilang paghahanda sa kanyang bagong trabaho bilang lecturer. Aniya, “Bagong landas ito at level-up na oportunidad. Matagal ko nang pangarap na magdisenyo ng curriculum para mapalaganap ang weightlifting.”
Dagdag pa niya, nais niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa sports at matuto rin mula sa kanyang mga estudyante. “Mahal ko ang weightlifting at handa akong gawin ang lahat para mas lalo itong maipakilala at maibahagi sa susunod na henerasyon,” ani Diaz-Naranjo.
Nagpasalamat din ang UP sa pagtanggap sa kanya. Sa kanyang mensahe: “Salamat sa pagkakataon at sa tiwalang ibinigay ninyo. Excited na akong makilala ang mga estudyante at co-faculty sa Enero 2026.”
Bago ito, naging abala si Diaz-Naranjo sa HD Weightlifting Academy, kung saan tinuturuan niya ang mga kabataang Pilipino na nangangarap maging susunod na champion.