Ang Social Security System (SSS) ay nag-anunsyo ng 10% increase sa retirement at disability pension para sa lahat ng pensioners sa buong bansa.
Magsisimula ang dagdag ngayong Setyembre 2025 at diretsong ipapasok sa bank account ng pensioners. Dahil dito, hindi na kailangan pang pumunta sa mga branch para mag-claim.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph de Claro, nasa ₱4 milyon ang kabuuang bilang ng mga pensioners na makikinabang sa dagdag benepisyo.
Tatagal ang 10% increase ng tatlong taon, mula 2025 hanggang 2027. Layunin nito na pasalamatan at kilalanin ang mga kontribusyon ng mga pensioners sa SSS.
Sa dagdag na ito, inaasahang mas makakatulong ang pension sa pang-araw-araw na gastusin ng mga retirees at persons with disability.