
Isang vintage bomb ang nahukay noong Martes ng umaga sa gilid ng Institute of Chemistry – Teaching Building sa UP Diliman, Quezon City. Natuklasan ito habang nagsasagawa ng paghuhukay para sa isang driveway, dahilan upang agad na ipatigil ang konstruksyon bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat sa paligid.
Ayon sa mga opisyal sa lugar, mabilis na ipinatupad ang evacuation ng mga estudyante at kawani ng gusali matapos makumpirma ang kahina-hinalang bagay. Agad ding rumesponde ang Quezon City Police Explosive and Ordnance Division (EOD) upang masuri at ligtas na makuha ang nasabing bomba nang walang insidente.





