The Hot Wheels at Futura Laboratories ay naglabas ng limited-edition Mitsubishi 3000GT VR-4 na siguradong kukunin ng mga collectors. Inspirado ito ng Japan street culture na matagal nang naging parte ng art style ni Futura.
Ang modelong ito ay 1:64 scale die-cast car na pinagsama ang sleek na design ng 3000GT at ang abstract graffiti style ni Futura. May itim na pintura na may halong kulay pula, asul, dilaw, puti at kilalang atomic motifs ng artist. Maging ang spoiler at gulong ay binigyan ng kakaibang design.
Hindi lang ito basta laruan, kundi isang functional art piece na nagpapakita ng impluwensya ng Japanese street culture sa buong mundo.
Ang limited-edition na ito ay available simula Setyembre 24, 9 a.m. PT (Setyembre 24, 12 a.m. PH time) at may kasunod na release sa Setyembre 26, 9 a.m. PT (Setyembre 26, 12 a.m. PH time). Ang presyo ay nasa ₱1,700 (approx).