
Carmen's Best ay muling nagbigay ng sorpresa sa mga ice cream lovers ngayong 2026 sa pamamagitan ng dalawang limited-edition flavors na hango sa klasikong desserts. Isa na rito ang Ube Halaya, na ginawang mayamang at creamy na ice cream ang paboritong Filipino dessert.
Samantala, ang Tiramisu naman ay binubuo ng espresso-infused mascarpone ice cream na malasutla at indulgent, ngunit hindi nakakasobra sa tamis at lasa. Perfect ito para sa mga naghahanap ng kakaibang treat na sophisticated pero approachable.
Higit pa sa lasa, may makabuluhang layunin ang bagong flavors. Sa bawat pagbili ng Ube Halaya at Tiramisu, pabor sa HOPE Philippines, na tumutulong sa pagtatayo ng public school classrooms sa buong bansa. Kaya, habang nage-enjoy sa dessert, nakakatulong ka rin sa edukasyon ng kabataan.
The limited-edition flavors ay makukuha nationwide sa Carmen's Best stores at online. Ang 440 ml pints ay nagkakahalaga ng ₱520, habang ang scoops ay ₱195 sa mga stores sa Rockwell, SM North Edsa, SM Mall of Asia, SM Makati, at Shangri-La Mall. Bukod dito, inilunsad din ang Milk Bar, isang simple ngunit indulgent frozen treat na gawa sa 100% fresh milk, walang artificial colors o sweeteners, at may 183 calories bawat bar.
Sa patuloy na pagtaas ng demand sa lokal na dairy, nagbukas ang Carmen's Best kasama ang Metro Pacific Agro Ventures at LR Group ng Metro Pacific Dairy farms noong 2025. Dito ay may mahigit 200 Purebred Holstein Friesian cows, na tumutulong sa pagtaas ng lokal na produksyon ng gatas. Dagdag pa rito, nagbukas na rin ng bagong scooping stations sa Cebu, na may plano pang palawakin sa Bukidnon, para mas maraming ice cream lovers ang makatikim ng kanilang paboritong flavors.




