
Ang KORTE SUPREMA ay nagpasya na RAPE lang ang tamang tawag sa krimen, at mali ang paggamit ng salitang “SIMPLE RAPE.” Ayon sa hukuman, walang SIMPLE sa RAPE dahil binabawasan nito ang bigat at sakit na dinaranas ng biktima.
Nagmula ang paglilinaw matapos pagtibayin ng korte ang hatol sa isang lalaking napatunayang NANGGASA SA 13-ANYOS NA BATA. Napansin ng Korte Suprema na mali ang ginamit na termino ng mababang korte, kaya itinama ito.
Ipinaliwanag din na dahil sa ANTI-RAPE LAW OF 1997, ang RAPE ay itinuturing na KRIMEN LABAN SA TAO, tulad ng PAGPATAY. Ibig sabihin, ito ay MALUBHANG KRIMEN na nagdudulot ng PISIKAL AT EMOSYONAL NA TRAUMA, at hindi dapat minamaliit sa salita o desisyon.