
The kilalang anime studio na Gainax, ang orihinal na gumawa ng Neon Genesis Evangelion, ay pormal nang dissolved noong Disyembre 10, 2025. Itinatag ito noong 1984 at naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng anime sa Japan at buong mundo.
Nagsimulang humina ang studio noong 2012 dahil sa mahinang pamamahala, bigong mga plano sa negosyo, at malalaking utang. Lumala pa ang sitwasyon matapos ang 2019 arrest ng dating pangulo na si Tomohiro Maki, na naging dahilan para tuluyang tumigil ang operasyon ng kumpanya.
Matapos ang bankruptcy noong Mayo 2024, naging pangunahing usapin ang pagprotekta sa mga gawa ng studio. Si Hideaki Anno, co-founder ng Gainax at creator ng Evangelion, ay naglabas ng pahayag sa pamamagitan ng Studio Khara. Ayon sa kanya, maayos nang nailipat ang mga karapatan at materyales sa tamang may-ari, ngunit nananatili ang kanyang lungkot at pagsisisi sa naging wakas ng isang alamat sa anime.




