
The BMW Philippines ay nag-aalok ngayon ng malaking discount para sa i5 eDrive40 Executive Shuttle units matapos magamit sa 2025 FIVB Men’s World Championship sa Manila. Ginamit ang mga sasakyan para sa transport ng FIVB top executives, at lahat ay nasa napakababang mileage.
Ayon kay Jacob Ang, Presidente ng SMC Asia Car Distributors Corp., malaking karangalan para sa BMW ang maging Official Premium Mobility Partner ng event. Dagdag niya, masaya silang maibahagi ang pagkakataong ito sa mga kliyente sa pamamagitan ng espesyal na presyo.
Nag-aalok ang BMW ng P1,600,000 discount, mula sa original na P5,890,000, ngayon ay P4,290,000 na lang ang presyo. Ang mga unit ay may 500 to 1,700 km lamang na mileage, kaya halos bago pa ang kondisyon.
Tampok sa BMW i5 eDrive40 ang BMW Widescreen Display na may iDrive 8.5, Veganza leather interior, at 340 hp / 430 Nm electric powertrain na kayang umabot ng 582 km range sa isang charge.
Available lamang ang units sa limited quantity at first-come, first-served basis. Para sa interesadong buyers, puwedeng bumisita sa Autoallee BMW (Eton Centris), RSA Motors Greenhills at Libis, at Pampanga Premier Cars BMW.




