
The Nick Jonas ay opisyal na nag-announce ng kanyang bagong solo album na pinamagatang “Sunday Best,” na ilalabas sa February 6, 2026. Inanunsyo niya ito sa isang intimate show sa Las Vegas kung saan nag-perform din siya ng ilang bagong kanta.
Nagmula ang announcement sa Sunday Best Brunch, isang special fan event sa Nellie’s Southern Kitchen, ang pamilya-owned restaurant ng Jonas family. Dito unang pinatugtog ni Nick ang ilang tracks mula sa album.
Sinundan nito ang kanyang unang live performance ng kantang “I Need You” sa Jonas Brothers’ Jonas20 Tour sa Newark, New Jersey. Ayon sa ulat, ang bagong album ay puno ng love, life stories, at mga importanteng yugto bilang musician, asawa, at ama.
Sa press release ng Republic Records, ibinahagi ni Nick ang kanyang excitement: sinabi niyang ang album ay puno ng personal stories, mga tahimik na lakad sa city, at mga moments mula sa nakaraang taon. Dagdag niya, kahit dalawang taon ginawa ang album, “parang 33 years in the making.”
Ito ang kanyang ika-limang studio release at follow-up sa Spaceman (2021). Isa rin ito sa mga solo projects na ginawa niya habang active pa rin sa Jonas Brothers. Samantala, naglabas din si Kevin Jonas ng kanyang sariling kanta na “Changing” noong November 20.




