Ang bagong Canon EOS C50 ay opisyal nang inilabas sa Pilipinas at may presyo itong Php 189,998. Kasunod ito ng paglabas ng EOS R6 Mark III, at nakatuon ang C50 para sa mga seryosong gumagawa ng video.
Gamit ang RF lenses, may 32-megapixel sensor ang C50 na kayang mag-record ng 7K60 internal RAW at Open Gate para sa iba’t ibang video platforms. Kaya rin nitong mag-shoot ng 4K 120FPS para sa slow-motion at may hanggang 16 stops dynamic range sa Super35 at 15+ stops sa Full Frame.
Pinapaganda pa nito ang performance bilang cinema camera gamit ang dual Base ISO (ISO 800 at ISO 6400) at mas mahusay na AF tracking para sa animals at eye detection. Kahit video-first, kaya rin nitong kumuha ng 32-megapixel photos at may 40FPS burst gamit ang electronic shutter kasama ang pre-continuous shooting.
Bukod sa RF lenses, puwede rin ang EF at PL mount lenses gamit ang optional adapters. May kasama itong XLR handle para sa mas kumpletong ports at controls, at may built-in fans para sa long shooting sessions kahit sa mainit na kondisyon.
The Canon EOS C50 ay naka-bundle na may XLR Handle at extra LP-E6P battery, kaya handa ito para sa filmmaking sa presyong Php 189,998.








