
The bilang ng mga nasawi sa Bagyong Tino ay umabot na sa 232, habang 25 naman ang naiulat na namatay dahil sa Super Typhoon Uwan, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes. Patuloy pa rin ang kanilang search and rescue operations sa mga apektadong lugar.
Ayon kay OCD Deputy Administrator Bernardo Rafaelito Alejandro IV, may 112 pang nawawala at 512 sugatan dahil kay Tino. Marami sa mga nasawi ay dahil sa landslide, lalo na sa Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan 19 katao ang namatay.
Sa ulat ng OCD, labis na napinsala ang Bicol Region, partikular ang Catanduanes, Camarines Sur, at Camarines Norte. Patuloy ang pag-ikot ng damage assessment teams upang malaman ang kabuuang pinsala.
Mahigit 3 milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente matapos ang bagyo. Sinabi ng OCD na maaaring matagal ang power restoration kung walang dagdag na resources. Apektado ang 12 rehiyon at 15 probinsya, kabilang ang Catanduanes at Camarines Sur.
Mahigit 12,000 evacuees na ang natulungan ng pamahalaan, habang tinatayang ₱108.6 milyon ang pinsala sa mga imprastraktura. Tinatayang 10,700 bahay ang nasira, at patuloy ang pagbibigay ng Quick Response Fund (QRF) para sa mga apektadong pamilya.