
The walong pulis mula sa Eastern Police District (EPD) ay pinalaya matapos magpiyansa, kaugnay ng kaso ng pagdukot sa isang Chinese businessman sa Las Piñas. Ayon sa korte, mahina umano ang ebidensiya laban sa kanila.
Nagpataw si Judge Eric Ismael Sakkam ng piyansang ₱300,000 bawat isa sa mga akusadong pulis. Sila ay apat na staff sergeant, dalawang corporal, at dalawang patrolman. Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y pagnanakaw ng halagang ₱75 milyon sa cash at alahas mula sa negosyanteng si Li Jie.
Sa desisyong may petsang Nobyembre 3, pinayagan ng korte ang kanilang piyansa kahit non-bailable ang kasong kidnapping for ransom. Isa sa dahilan ay ang hindi pagtestigo ng biktima, na itinuturing na pinakamahalagang saksi sa kaso.
Sinabi ng hukom na ang kawalan ng testimonya ni Li Jie ay labis na nagpahina sa kaso ng prosekusyon. May isa pang saksi na Chinese din, ngunit hindi rin tumestigo. Dahil dito, kulang umano sa matibay na patunay laban sa mga akusado.
Ayon sa imbestigasyon, dinala raw ng mga pulis si Li sa himpilan ng EPD sa Pasig at humingi ng ₱100 milyon bilang ransom. Kalaunan, natuklasang mali ang pagkakakilanlan sa kanya dahil ang tunay na taong may warrant ay naaresto na noong Marso 2023.

