
Ang Takara Tomy ay naglabas ng bagong Poke-Nade Monster Ball, isang virtual pet na hugis Pokéball at nagbibigay ng mas malalim na koneksyon sa mga Pokémon. Para itong modernong Tamagotchi na pinagsama ang nostalgia at makabagong touch technology.
Mayroon itong touch sensors kaya puwedeng tunay na haplusin, pakainin, at laruin ang Pokémon na makikita sa LCD screen. Kapag inalagaan nang mabuti, lalakas ang “bond” ninyo ng iyong Pokémon. Pero kung pababayaan, malulungkot lang ito — hindi mamamatay, kaya mas nakakaengganyo sa mga bata at kolektor.
Kasama sa device ang 157 Pokémon species at 7 Partner Pokémon na may boses tulad nina Pikachu, Eevee, at Lucario. Gumagana ito gamit ang apat na AAA batteries at may mga mini-games at friendship diary para mas maging interactive ang karanasan.
Bagaman wala pang opisyal na global release, maaaring i-import ngayon ang Poke-Nade Monster Ball sa halagang ₱5,200 hanggang ₱5,800. Isang bagong paraan ito para mas maramdaman ng mga tagahanga ang pag-aalaga sa kanilang paboritong Pokémon.




