
The global girl group na KATSEYE at singer-songwriter Laufey ay kabilang sa mga nominado para sa Breakthrough Artist of the Year sa unang TikTok Awards 2025. Gaganapin ang event sa December 18 sa Hollywood Palladium, Los Angeles, sa temang “New Era, New Icons.”
Magiging tampok sa seremonya ang mga live performances at influential TikTok creators. Bukas ang botohan sa TikTok app mula November 18 hanggang December 2, kung saan pwedeng bumoto ang mga fans para sa kanilang paboritong artista.
Malaki na ang fanbase ng KATSEYE sa TikTok, na may 14 milyon followers at 696 milyon likes. Ang kanilang hit song na “Gnarly” ay ginamit na sa mahigit 240,000 videos. Si Laufey naman ay may 10 milyon followers at 381 milyon likes, at patuloy na lumalago ang kanyang community online.
Isa rin sa mga nominado si sombr, na may 4.3 milyon followers at 158 milyon likes. Ang kanyang kanta na “back to friends” ay ginagamit na sa halos 900,000 videos, patunay ng kanyang kasikatan sa platform.
The TikTok US Awards 2025 ay mapapanood nang live sa TikTok at Tubi sa December 19, 10:00 AM (oras sa Pilipinas). May live audience na binubuo ng mga creators at ilang kilalang personalidad. May iba’t ibang kategorya rin tulad ng Creator of the Year, Video of the Year, Storyteller of the Year, Fashion/Beauty (Okay Slay Award), Sports MVP of the Year, at TikTok Live Creator of the Year.




