
The LEGO DC Batman ay nagdiriwang ng 20 years sa pamamagitan ng apat na bagong sets na siguradong ikatutuwa ng mga fans. Kasama rito ang Batman logo display at tatlong Batmobile models mula sa iba’t ibang pelikula.
Unang set ay ang iconic Batman logo, kasama ang mga kilalang gamit gaya ng Batarang at Harley Quinn hammer. May dalawang minifigure si Batman dito: isang golden Batman na may gold coin at isang klasikong Batman na puwedeng ilagay sa gitna ng logo na parang Batcave Suit Vault door. Presyo tinatayang nasa ₱4,500.
Kasama rin ang tatlong Batmobile mula sa Batman v Superman, The Batman (2022), at Batman & Robin. Ang modelo mula sa Batman v Superman ay may front shooter design (di gumagana), opening cockpit, at detailed headlights. May kasamang gold coin sa loob at puwedeng ipasok ang minifigure ni Batman. Presyo nasa humigit-kumulang ₱5,200.
Ang dalawang iba pang Batmobile mula sa The Batman at Batman & Robin ay parehas na may removable roof, kaya madaling mailagay si Batman sa cockpit. May gold coin din na puwedeng ilagay sa ilalim ng hood. Presyo ng bawat isa ay nasa ₱5,000.
Available na ang mga 20th Anniversary LEGO DC Batman sets para sa pre-order ngayon at opisyal na ilalabas sa Marso 1, 2026.