
Ang La Salle Green Archers ay nakagawa ng epic comeback matapos burahin ang 21-point lead ng UE Red Warriors para manalo sa overtime, 111-110, ngayong Miyerkules sa UAAP Season 88. Pero may mabigat na dagok dahil na-injure si Kean Baclaan at kinailangang ilabas sa stretcher matapos tamaan ang kanyang tuhod.
Si Jacob Cortez ang nagdala ng laro para sa La Salle na may 26 puntos, kabilang ang clutch free throws at jumper sa OT. Umambag din si Mike Phillips ng 18 puntos at 11 rebounds bago tamaan ng cramps, habang si Baclaan ay nagtapos ng 17 puntos at 4 assists bago magka-injury.
Para sa UE, hindi nasayang ang malaking laban ni Precious Momowei na kumamada ng 42 puntos, 13 rebounds, at 3 assists. Siya ang kauna-unahang UAAP player mula nang umiskor si Alvin Pasaol ng 49 puntos laban din sa La Salle.
Sa kabila ng heroics ni Momowei at 25 puntos ni Abate, natalo pa rin ang Red Warriors at naitala ang kanilang ikaanim na sunod na talo ngayong season.
Final Score:
La Salle 111 – Cortez 26, Abadam 18, Phillips 18, Baclaan 17, Pablo 8, Marasigan 8, Gollena 4, Macalalag 4, Nwankwo 4, Daep 3, Dungo 1, Melencio 0.
UE 110 – Momowei 42, Abate 25, Lingolingo 24, Caoile 6, Mulingtapang 4, Tañedo 4, Datumalim 3, Robles 2, Malaga 0, Lagat 0, Cabero 0.