The 91 kabataan ay kabilang sa 244 katao na inaresto sa anti-korapsyon protest noong Setyembre 21 sa Mendiola. Ayon sa pulisya, hindi lang sila mga bystander kundi aktibong nakilahok sa gulo sa Mendiola, Ayala Bridge, at Recto Avenue. Ilan ay umamin na naimpluwensiyahan ng online groups at isang sikat na rapper.
Isang nagprotesta ang nasawi matapos masaksak at isa pa ang kasalukuyang ginagamot sa ospital dahil sa tama ng bala. Binigyang-diin ni Mayor Isko Moreno na hindi papayagan ng lungsod ang paggamit ng mga kabataan sa marahas na kilos-protesta.
Nanawagan ang Makabayan bloc sa Kongreso na palayain agad ang 91 menor de edad. Ayon sa kanila, 27 sa mga ito ay “children at risk” na may edad 15 pababa. Hiniling din ni dating kongresista Carlos Zarate na ibasura ang lahat ng kasong isinampa laban sa mga naaresto.
Kinondena ni Rep. Leila de Lima ang karahasan ng ilang kabataan. Aniya, hindi ito tamang paraan ng paglaban sa mga nagnanakaw ng bilyon-bilyong piso habang milyon ang nagugutom. Pinuri rin niya ang pulisya sa pagpapanatili ng maximum tolerance.
Pinaalala ni Cardinal Pablo Virgilio David na bagama’t mahalaga ang hustisya at pananagutan sa mga anomalyang may kinalaman sa flood control, hindi dapat gumamit ng karahasan ang mamamayan.