The Amerikano na si Donald David Hill, 66, ay nahuli sa Las Piñas dahil sa pagtago ng baril, hindi pagsunod sa shelter rules, at pagkuha ng malalaswang larawan ng mga bata.
Lumabas sa imbestigasyon na hindi siya nag-apply ng visa extension mula pa nang dumating siya sa bansa noong 2007, kaya siya ay overstaying.
Samantala, sa Parañaque, naaresto rin ang South Korean fugitive na si Kim Miri, 41, na may kasong financial fraud at money laundering sa Korea. Ayon sa ulat, nakapagnakaw siya ng mahigit ₱42.5 milyon mula 2020 gamit ang investment scam.
Parehong sina Hill at Kim ay nakalista na sa blacklist ng Bureau of Immigration at nakatakdang i-deport.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, hindi papayagan ng Pilipinas na maging taguan ng mga kriminal na dayuhan. Patuloy ang pagtutulungan ng mga awtoridad para masigurong mahuhuli at maipapaalis ang mga ito sa bansa.