
Hi, I just want to get this weight off my chest. I hope no one judges because I really don't know if I'm the only one who's OA or if there's something really wrong with the situation.
I am a 26 year old, full-time mom. My partner is a government employee. This is our first baby—a baby boy—so the day of the baptism was very special to me. I thought it would be fun, but I didn't expect it to cause me such pain.
Simula pa lang, sinabi ni partner na siya ang bahala sa lahat ng desisyon. Sabi ko okay lang, dahil first time niya maging tatay, baka gusto niyang siya ang mamili. Kaya kahit gusto ko sanang mag-imbita ng mga pinsan at malalapit kong kaibigan, hindi ko na ginawa. Hinayaan ko siya, iniisip ko na baka ito ang paraan niya para maging proud at masaya sa unang anak namin.
Pero habang papalapit ang binyag, napansin ko na ilang beses siyang nagpalit ng isip kung sino ang kukunin na ninong at ninang. Sa huli, napagdesisyunan niya na dalawang lalaking close friends niya (volunteer) ang magiging ninong, at dalawang ninang: isang nag-volunteer at isa na katrabaho niya. Doon ako medyo natahimik. Sa dami ng gustong maging ninang at ninong, bakit pa yung katrabaho niya? Hindi naman nag-volunteer, hindi ko rin gaanong kilala. Pero dahil ayokong mag-away kami, hindi na ako nagsalita.
Dumating ang araw ng binyag. Yung isang ninang na girl (volunteer) hindi nakapunta. Sa simbahan, kapitbahay lang namin ang sumama sa amin. Tapos nakita ko, sinalubong agad ni partner yung katrabaho niyang ninang. Pagkaupo namin, apat lang kami sa isang row: ako, si baby, si partner, at yung babae. Napausog pa ako kasi doon siya tumabi sa babae.
Narinig ko pa na sabi ng babae, “Don ka dapat sir,” kaya lumipat si partner sa tabi ko. Pero alam mo yung feeling na parang wala ka sa eksena? Habang nagpi-picture taking kami, magkausap pa rin silang dalawa, parang silang dalawa lang ang nasa mundo. Ang sakit.
Pagkatapos ng misa, pumunta kami sa restaurant. Ako at kapitbahay nag-commute, si partner naka-motor. Pagdating doon, nakita ko na tinulungan pa niya yung babae para makaupo. Ako? Naiwan akong nag-aalaga kay baby. Pag-upo ko, magkatabi na silang dalawa, masayang nagkukwentuhan. Usapang trabaho daw, pero halata mo sa body language—eye contact, tawa—na sobrang komportable sila sa isa’t isa.
Habang tinitingnan ko sila, hindi ko mapigilan ang tanong sa isip ko: “Bakit sa kanya kaya mo maging sweet? Bakit sa akin, parang wala?” Halos hindi niya pinansin yung mga ninong. Yung babae talaga ang kausap niya.
Sa pag-uwi, sumabay din yung girl. Pinayungan pa ako. Oo, mabait siya, pero para sa akin, parang insulto na yun. Kasi buong araw, ramdam ko na parang ako ang outsider. Tahimik na lang ako hanggang makarating kami sa bahay.
Pag-uwi, hindi ko na kinaya. Umiyak ako sa sobrang sama ng loob. Sinabi ko sa kanya lahat: “Nakakadiri kayo.” Ang sakit eh. Hindi ko alam kung insecure lang ba ako, pero ang malinaw sa akin, mas naging maalaga siya sa iba kaysa sa akin—na partner niya at nanay ng anak niya.
Ang sagot niya? Sabi niya gusto na lang daw niyang magpakamatay kasi wala na daw siyang ginawang tama at hindi ko siya na-aappreciate. Pero ang totoo, hindi ko naman gustong hindi siya ma-appreciate. Gusto ko lang maramdaman na ako ang asawa niya, hindi yung iba.
Hanggang ngayon, iniisip ko kung ako ba ang mali. OA lang ba ako? O may mali rin siya? Kasi para sa akin, simple lang: Sa espesyal na araw ng anak namin, gusto ko sana maramdaman na ako ang una para sa kanya. Pero hindi ko ‘yun naramdaman.