
Ang K-pop star na si KAI mula sa EXO ay may doble pasabog para sa Filipino EXO-Ls! Matapos ang kanyang KAION concert sa Araneta Coliseum sa July 27, may isa pa siyang regalo—isang exclusive album fansign event para sa kanyang Wait On Me mini album!
Magaganap ang fansign event sa July 28, 7PM, sa isang private venue sa Manila. Ang mga ticket holders lang ang makatatanggap ng detalye kung saan ito gaganapin. Para makasali, kailangang bumili ng Wait On Me (Photo Book ver.) simula June 1, 10:00 AM hanggang June 10, 11:59 PM.
Matapos bumili, kailangang mag-register gamit ang Online Registration Form na ipo-post sa PULP Live World social media. Deadline ng registration ay June 17, 6:00 PM. Ang mga mapapalad na fans ay iaanunsyo via email sa June 30, 2025.
Ang mini album na Wait On Me ay inilabas noong April 21 at may 7 tracks, kasama ang mga pre-release songs na “Adult Swim” at “Walls Don’t Talk.” Unang nag-solo si KAI noong 2020 sa kanyang self-titled EP na nagpasikat ng kantang “Mmmh.”