
A man was caught after robbing a convenience store in Barangay San Gabriel, Teresa, Rizal early Friday morning. According to police, the man was seen on CCTV entering the store's roof using tin shears.
Agad na humingi ng tulong ang duty operator matapos mapanood ang aktwal na panloloob sa real-time CCTV footage. Sakto naman na may nagpapatrolyang pulis sa lugar kaya mabilis itong nakarating sa pinangyarihan.
Ayon kay Police Col. Felipe Maraggun, nahuli ang 29-anyos na construction worker sa parehong araw. Dalawang kaha lang ng sigarilyo ang nakuha ng suspek dahil hindi niya nabuksan ang vault ng tindahan.
Sabi ng lalaki, may kasama raw siya, pero sa video ay mag-isa lang siyang nakita. Siya ngayon ay nasa Teresa Custodial Facility at nahaharap sa kasong robbery.
Patuloy namang hinahanap ng pulisya ang sinasabing kasabwat sa insidente.