
The music streaming service na Spotify ay nagsabi na dinisable nito ang mga account na konektado sa isang piracy activist hacker group na nag-claim na na-hack at na-backup nila ang milyon-milyong music files at metadata mula sa platform.
Ayon sa grupong Anna’s Archives, nakapag-scrape umano sila ng 86 million Spotify tracks at metadata ng 256 million tracks bilang bahagi ng plano nilang gumawa ng isang open music preservation archive. Sinabi rin ng grupo na ang mga files na ito ay kumakatawan sa halos 99.6% ng Spotify listens at 99.9% ng kabuuang tracks sa serbisyo.
Kinumpirma naman ng Spotify na agad nilang tinukoy at isinara ang mga account na sangkot sa unlawful scraping. Ayon sa kumpanya, walang epekto sa mga user, at nagpatupad na sila ng bagong security safeguards upang labanan ang anti-copyright attacks at patuloy na protektahan ang mga artist at creators.




