
Ang siyam na OFWs na biktima ng human trafficking sa Myanmar ay ligtas nang nakabalik sa Manila, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Dumating sila sa NAIA Terminal 3 gamit ang Thai Airways at sinalubong ng DMW, OWWA, at NAIATFAT.
Agad silang nakatanggap ng financial assistance at welfare support mula sa DMW at OWWA. Ayon sa DMW, magrereport sila sa Enero 2026 para sa legal aid at karagdagang case management. Marami sa kanila ay nadaya sa social media job ads at pinilit magtrabaho sa cyber-scam centers.
Sa Maynila, isang 12-anyos na bata ang namatay at isa naman ay sugatan matapos sumabog ang paputok sa Tondo. Ayon sa MPD, napulot ng mga bata ang paputok sa kalsada at sinindihan sa bangketa. Patuloy ang imbestigasyon habang hinihintay ang resulta ng autopsy at post-blast examination.




