Ang BMW Philippines nagpakilala ng bagong plug-in hybrid variant sa 7 Series lineup, ang BMW 750e xDrive PHEV, na may presyo na P 7,990,000. Kasama na sa package ang portable flexi charger at 5-year o 200,000 km warranty.
Pinapagana ng BMW TwinPower Turbo 3.0L inline 6-cylinder engine at electric motor, nagbibigay ito ng 489 horsepower at 700 Nm torque. Kaya nitong umabot mula 0 hanggang 100 km/h sa loob ng 4.8 segundo, habang may top speed na 250 km/h. May 8-speed Steptronic Sport Transmission at xDrive all-wheel-drive system para sa mabilis at smooth na drive.
Plug-in hybrid system nagbibigay ng electric range na hanggang 86 km, ideal para sa tahimik at zero-emission na biyahe. May iba't ibang drive modes, mula sa pure electric hanggang hybrid, at energy recuperation na nagcha-charge ng battery habang nagbabagal. Kabuuang range gamit ang engine at electric motor ay nasa 750 km.
Disenyo ng BMW 750e xDrive elegant at modern, may iconic kidney grille na may “Iconic Glow,” adaptive LED headlights, at 20-inch alloy wheels. Panoramic glass roof nagpapasok ng natural light, habang soft-close doors at Comfort Access system nagpapadali sa paggamit.
Sa loob, premium Veganza upholstery at Fineline Open Pore Wood Trim, electric adjustable seats na may memory, Bowers & Wilkins Surround Sound, 4-zone climate control, at adaptive 2-axle air suspension para sa comfortable ride. May BMW Live Cockpit Plus para sa digital integration at wireless charging.



