Ang Porsche 911 GT3 R ang nagdala ng panalo sa 2025 DTM Championship. Sa huling laban sa Hockenheim, Turkish driver na si Ayhancan Guven ang nag-uwi ng drivers’ title habang ang Manthey EMA naman ang nakakuha ng manufacturers’ crown gamit ang 911 GT3 R. Pinakita nito ang tibay ng Porsche sa karera at kung paano ito diretso napupunta sa mga kotse sa kalsada.
Ang 911 GT3 ay may 4.0-liter na naturally aspirated flat-six engine na may 510 hp at 450 Nm torque, kaya nitong umikot hanggang 9,000 rpm. May racecar-style double-wishbone front axle, swan-neck rear wing, at diffuser na nagbibigay ng tibay at balance — mga teknolohiya rin na dala ng DTM-winning 911 GT3 R.
Para sa mas matinding performance, naroon ang 911 GT3 RS. Pareho rin itong may 4.0-liter flat-six engine na kayang umabot ng 525 hp at 465 Nm torque. Dagdag pa dito ang extreme aerodynamics tulad ng active rear wing na may Drag Reduction System (DRS), fully vented front end, at espesyal na chassis para sa high-speed track use.
Dahil sa mga features na ito, ang 911 GT3 RS ay nakakagawa ng hanggang 860 kg downforce — doble kumpara sa luma nitong modelo. Gumagamit din ito ng carbon-fiber reinforced plastic (CFRP), center-lock wheels, at mas malapad na track para sa tunay na performance focus.
Mula karerahan hanggang kalsada, pinapatunayan ng 911 GT3 at 911 GT3 RS na ang tagumpay ng Porsche sa motorsports ay nagiging totoong lakas at bilis na maaring maranasan sa Pilipinas.