
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naghain ng bagong kaso laban sa ilang opisyal at contractor dahil sa P275.9 milyon na substandard flood control projects sa La Union at Davao Occidental. Layunin ng hakbang na mapabilis ang proseso ng kaso laban sa mga sangkot.
Sa Davao Occidental, kabilang sa kaso ang P96.5-milyong flood control project, kung saan walo DPWH officials mula sa district engineering office ang sinampahan ng kaso. Kabilang din si Sarah Discaya, may-ari ng St. Timothy Construction Corp., na nanalo sa proyekto. Tinawag ito ng DPWH bilang ghost project dahil hindi natapos kahit supposed na tapos na noong 2022.
Sa La Union naman, ang proyekto ay may dalawang phase na nagkakahalaga ng P179.5 milyon, na iginawad sa Silverwolves Construction Corp. Kasama sa kaso ang 12 DPWH officials mula sa La Union 2nd District Engineering Office at ang general manager ng kumpanya na si Moises Tabucol.
Tatlong kongresista rin ang naitalang persons of interest: sina Reps. Edvic Yap, Eric Yap, at Salvador Pleyto. Ayon sa Ombudsman, si Edvic dati ay may stake sa Silverwolves, si Eric ay House appropriations chair noong 2020–2022, at si Pleyto ay nakatanggap ng pondo mula sa contractors. Natuklasan rin ng AMLC na may humigit-kumulang P70 milyon na nailipat sa bank account ni Edvic mula sa Discayas, na nagpakita ng conflict of interest.
Ayon sa Ombudsman, ang mga kasong ito ay direkta nang mapupunta sa preliminary investigation dahil regular ang mga dokumentong gobyerno. Patuloy ang pagsisiyasat sa mga opisyal, contractors, at kongresista na sangkot sa kontrobersiya.




