Mas pinaganda ito ng Kawasaki para sa mga Pinoy riders na laging on the go. Ipinakita ang refreshed Brusky 125 sa Makina Test Ride Consortium noong Oktubre 18, 2025. Magiging available ito sa mga showroom sa Nobyembre sa halagang ₱77,000.
May tatlong exciting colors na pagpipilian: Duchess White, Glorious Black, at Caribbean Cyan. Bagong kulay, pero parehong maaasahan — swak para sa mga gusto ng cool at energetic na style sa kalsada.
May 125cc fuel-injected engine ang Brusky 125 na nagbibigay ng 9.52 PS at 7,500 rpm at 10 Nm torque sa 6,000 rpm. Tamang-tama para sa smooth at mabilis na biyahe sa siyudad.
May 5.1-litro fuel tank, USB charging port, at maluwang na under-seat storage. Ayon sa mga ulat, umaabot ito sa 40–45 km/L, kaya matipid sa gas pero hindi bitin sa power.
Ang Kawasaki Brusky 125 ay patunay na puwedeng pagsabayin ang style, tipid, at tibay sa isang scooter.