
Ang dalawang suspek sa pagdukot sa isang 14-anyos na Chinese student sa Taguig City ay sumuko na sa Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).
Ayon sa PNP-AKG, sumuko si alyas “Tatang” (62) at alyas “Marv” matapos lumabas ang kanilang warrant of arrest. Natakot umano ang dalawa nang matukoy silang kasali sa krimen.
Sinabi ni PMaj. Eleonor Villaruz, hepe ng public information office ng AKG, na ang mga suspek ay haharap sa kasong kidnapping for ransom with homicide.
Matatandaang noong Pebrero 20, dinukot ang biktima sa kanyang paaralan sa Taguig. Humingi ang mga salarin ng ₱1.1 bilyon ransom (katumbas ng $20 milyon).
Sa ngayon, patuloy pang hinahanap ng PNP-AKG ang limang iba pang suspek na sangkot sa kaso.