Ang isang 7-taong gulang na aspin sa Legazpi City, Albay ay pumanaw matapos malungkot sa pagkamatay ng kanyang amo.
Kwento ng pamilya, naging tahimik at matamlay ang aso na si Mitchu matapos makita ang labi ng kanyang amo na si Tatay Carlos noong Agosto 29. Pagkatapos noon, halos hindi na ito kumain hanggang sa matagpuan nilang wala nang buhay noong Setyembre 6.
Ayon kay Dr. Riza Zarte, posibleng nakaranas ng depression at separation anxiety si Mitchu. Katulad ng tao, puwedeng mawalan ng gana sa pagkain at mabuhay ang aso kapag nawala ang taong pinakamalapit dito.
Inilibing si Mitchu sa bakuran ng kanilang bahay, sa ilalim mismo ng kabaong ng kanyang amo. Para sa pamilya, ipinakita ni Mitchu na ang aso ay tunay na matapat na kaibigan ng tao.
Ang kanilang kwento ay nagpaiyak at nakaantig sa damdamin ng maraming netizens, na muling nagpapatunay kung gaano kalalim ang pagmamahalan ng tao at alagang hayop.