Ang Acer ay muling pinasok ang matinding laban sa PC gaming market matapos ilunsad ang bagong Predator at Nitro laptops, desktops, at iba pang gaming gear sa IFA 2025 sa Berlin. Tampok dito ang Predator Helios 18P AI laptop na ginawa hindi lang para sa gaming kundi pati na rin sa AI computing at content creation.
Kayang i-configure ang Helios 18P AI gamit ang Intel Core Ultra 9 Processor 285HX, hanggang 192 GB EEC memory, at NVIDIA GeForce RTX 5090 Laptop GPU. May storage din ito na aabot ng 6 TB PCIe Gen 5 SSD. Ang presyo sa merkado ay maaaring lumampas sa ₱250,000 depende sa configuration.
Kasama rin sa bagong lineup ang Predator Orion 7000 at Orion 5000 desktops, Predator X27U F8 monitor na may 720 Hz refresh rate, at ang malaking Predator Z57 curved MiniLED display na may 7680 x 2160 resolution.
Para sa mas abot-kayang opsyon, ipinakita rin ang Nitro laptops at monitors. Tampok ang Nitro GA321QK P at GA341CUR W0 smart monitors na puwedeng gamitin bilang 4K Google TV. Ang Nitro V 16 laptop ay may Intel Core 9 270H, RTX 5070 GPU, hanggang 32 GB DDR5 RAM, at 2 TB SSD, na maaaring magsimula sa presyong ₱85,000. Mayroon ding Nitro V 16S para sa mga bagong gamers, at Nitro 70 at Nitro 50 desktops na may AMD Ryzen processors at mas malamig na sistema.
Sa kabuuan, ipinakita ng Acer ang pinakabagong gaming innovations na hindi lang para sa hardcore gamers kundi pati na rin sa creators at mga taong naghahanap ng multifunctional devices para sa trabaho at libangan.