
Ang Payday Treat na sulit para sa dessert lovers! Payday talaga ang best time para magbigay-reward sa sarili, lalo na kung mahilig ka sa cake. Para sa mga “born to eat dessert, forced to work for it,” may good news na siguradong magpapasaya sa’yo.
Ngayong payday, maaari kang makakuha ng slice ng Signature Cakes tulad ng Mango Bravo o Pistachio Crunch sa halagang P150 lang! Malayo ito sa regular price na P295 at P235. May isa pang option—Classic Cake of the Day sa halagang P80. Pwedeng Moist Chocolate, Classic Caramel, o kung anong cake ang featured sa araw na iyon.
Para makuha ang discount, kailangan ng minimum dine-in purchase na P1,500. Tandaan din na isa lang ang pwedeng piliin sa dalawang promos na ito. Kaya siguraduhing planuhin ang order para sulit ang treat!
Limited-Time Offer lang ito!
Available ang promo hanggang July 31 lamang. Kung iba ang petsa ng sweldo mo, pwede mo pa rin itong gawing excuse para sa konting saya. Sabi nga nila, kung gusto mo, may slice ng cake para sa’yo!