
Ang apat na lalaking evacuees ay nahuli sa loob ng evacuation center sa Barangay Hagonoy, Taguig City nitong Miyerkules ng gabi matapos mahulihan ng droga.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iikot ang mga pulis sa lugar nang madiskubre nila ang mga suspek sa loob ng kanilang modular tents. Pagkacheck, nakitaan ang mga ito ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.
Tinatayang 3.1 gramo ang bigat ng nasabing droga na may halagang mahigit P21,000. Agad silang inaresto at dinala sa Taguig City Police Station.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.