
Ang PAGASA ay nagbabantay sa dalawang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na magpapalakas sa habagat.
Ayon sa PAGASA, lumakas ang Tropical Depression Emong, habang si Dante ay umangat na sa tropical storm category. Si Emong ay huling namataan sa 105 km hilagang-kanluran ng Northern Luzon na may hangin na 45 kph at bugso na 55 kph.
Samantala, si Dante ay nasa 880 km silangan ng dulong hilaga ng Luzon na may lakas ng hangin na 65 kph at bugso na 80 kph.
Bukod dito, may isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng PAR na nasa 2,340 km silangan ng Eastern Visayas. Mataas ang posibilidad na maging tropical depression ito sa loob ng 24 oras.
Kapag lumakas pa ang LPA, mas tatagal ang epekto ng habagat sa Luzon at Visayas, kaya pinapayuhan ang mga residente na maging alerto.