
Ang masamang panahon dala ng iba’t ibang bagyo at habagat ay nagdulot ng 12 patay, ayon sa ulat ng NDRRMC nitong Hulyo 24.
Sa mga nakalipas na araw, Severe Tropical Storm Wipha (dating Crising), Tropical Storm Dante, Typhoon Emong, at habagat ay nagdala ng tuloy-tuloy na ulan sa bansa. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang pagbaha at landslide.
May tatlong nasawi sa Calabarzon at tatlo rin sa Northern Mindanao. Dalawa sa Western Visayas, at tig-iisa sa Mimaropa, Davao, Caraga, at NCR. Karamihan sa mga biktima ay tinamaan ng nabuwal na puno.
Kasalukuyang may 8 nawawala at 8 sugatan. Umabot na sa 2.7 milyon katao ang apektado, habang 245,000 ang lumikas. Nasira ang 2,431 bahay, na may halagang ₱3.23 milyon ang pinsala. Pinsala sa inprastraktura ay umabot sa ₱3.77 milyon, at agrikultura naman ay ₱648 milyon.
Mahigit 40 lugar ang nagdeklara ng state of calamity, kabilang ang ilang lungsod sa Metro Manila. Nasa loob pa rin ng PAR sina Dante at Emong, habang patuloy na apektado ang bansa ng habagat.