Ang Hyundai IONIQ 6 N na may 640 HP ay opisyal nang ipinakita sa 2025 Goodwood Festival of Speed.
Ito ang pangalawang high-performance electric vehicle mula sa Hyundai, kasunod ng matagumpay na IONIQ 5 N. Pinaghalo sa IONIQ 6 N ang track-ready performance at daily use comfort. Umaabot ito sa 0–62 mph sa loob ng 3.2 segundo at may pinakamataas na bilis na 160 mph.
May dalang bagong features tulad ng reengineered suspension, ECS dampers, at advanced battery system.
Ang bagong battery management ay nakaayos para sa iba’t ibang driving conditions. Makikita rin ang mga bagong aerodynamic upgrades gaya ng pinalapad na fenders, swan-neck rear wing, at mga parts na nagbibigay ng downforce.
Pinaparamdam nito ang simulated gear shifting at may iba't ibang tunog habang nagmamaneho. May bagong kulay rin na Performance Blue Pearl na ibinida sa event, kasama ang iba't ibang performance parts at personalization options.
Kasama sa pagdebut ng IONIQ 6 N ang “N Moment” na ginanap noong Hulyo 10.
Dito, sabay-sabay na ipinasikat ang buong N lineup sa isang high-speed Hillclimb run sa Goodwood. Ipinakita nito ang seryosong pagpasok ng Hyundai sa mundo ng performance electric vehicles.
Sa kabuuan, pinatunayan ng Hyundai IONIQ 6 N na posible ang pagsama ng bilis, lakas, at ginhawa sa isang EV.
Tunay itong sasakyan na para sa karerahan pero pwede rin sa araw-araw na biyahe.