
Ang isang 20-anyos na bilanggo sa France ay nakatakas sa Lyon-Corbas Prison matapos magkubli sa loob ng maleta ng kasama niyang preso na palalayain na. Ayon sa ulat, nagtago siya sa laundry bag ng kanyang kasamahan at nakalusot sa mga guwardya.
Ayon sa prison administration, ang bilanggo ay may kasong organized crime at hindi pa inilalabas ang kanyang pangalan. Inamin ng pamunuan na may mga malalaking pagkukulang sa seguridad, dahilan kaya nakalabas ang preso nang hindi namamalayan.
Si Sébastien Cauwel, direktor ng prison administration, ay nagsabi na ito ay isang bihirang insidente at ngayon lang ito nangyari sa kasaysayan ng kanilang ahensya. Iniimbestigahan na kung may kasabwat sa loob ng kulungan.
Napag-alamang masikip na rin ang kulungan sa Lyon-Corbas. Sa datos noong May 1, may 1,200 bilanggo kahit ang kapasidad nito ay 678 lang. Ito rin ang isa sa mga isyu ng kulungan na matagal nang binabala ng Lyon Bar Association.
Kasalukuyang iniimbestigahan kung paano nakalusot sa security ang bilanggo at kung may nagkunwaring tulong mula sa loob. Patuloy ang aksyon ng mga awtoridad para mahanap ang tumakas at matiyak na hindi na ito maulit.