
Ang Cebu Pacific ay may bagong seat sale para sa lahat ng biyahe papunta at pabalik ng Japan. P1,288 lang ang one-way base fare sa promo na ito!
Pwede ka nang mag-book ng ticket mula ngayon hanggang July 20, 2025. Para sa mga planong bumiyahe, sakop ng promo ang travel dates mula Sept. 1, 2025 hanggang Jan. 31, 2026.
Kasama na sa presyo ang 7kg hand-carry baggage, pero hiwalay pa ang admin fees, P550 terminal fee, at fuel surcharge.
Para maka-avail, punta lang sa seat sale section ng Cebu Pacific website at i-click ang “book now” sa gusto mong Japan destination.
Kung matagal mo nang plano bumisita o bumalik sa Japan, ito na ang perfect chance mo. Kaya book na bago maubos ang seats!
Tags: Nation