
Ang negosyante na si Atong Ang at ang aktres na si Gretchen Barretto ay iniugnay sa pagkawala ng ilang sabungero. Isang suspek na si Julie “Dondon” Patidongan ang lumutang at nagsabing si Ang umano ang utak sa likod ng mga pagdukot. Ayon kay Patidongan, kasama sa mga sangkot sina Eric Dela Rosa at Celso Salazar.
Ayon kay Patidongan, si Dela Rosa ang nagmamasid sa mga sabong at nag-uulat ng daya kay Ang. Kapag may daya, iniutos daw ni Ang at Salazar na “hawakan” o dakpin ang mga sangkot. Sinabi pa niya na may ilang pulis na utos umanong manghuli sa mga sabungan.
Binanggit din ni Patidongan ang aktres na si Gretchen Barretto. Aniya, may kinalaman si Barretto dahil lagi raw itong kasama ni Ang. Hinimok niya ang aktres na makipagtulungan sa imbestigasyon.
Sinabi ni Patidongan na lumutang siya ngayon dahil may tiwala siya kay PNP Chief Nicolas Torre III. Ayon sa kanya, alam niyang hindi nababayaran ang bagong hepe.
Samantala, itinanggi ng kampo ni Ang ang paratang at maghahain daw ng kaso laban kay Patidongan. Ayon sa abogado ni Ang na si Lorna Kapunan, maglalabas sila ng reklamo para tapusin ang mga spekulasyon.