Ang malungkot na insidente ay naganap sa Misamis Occidental kung saan dalawang batang magkapatid, edad apat at dalawa, ang nasawi sa sunog habang naiwan mag-isa sa loob ng isang naka-lock na kubo. Ayon sa mga residente, nakita pa raw nilang may usok na nanggagaling sa kubo, pero huli na ang lahat nang marating nila ito.