Ang isang driver ay nasawi matapos siyang makaladkad at madaganan ng sarili niyang pampasaherong van. Naganap ang insidente habang nag-aayos umano ng sasakyan ang biktima.
Patungo sana ang van sa isang camp site sa Rizal at may sakay itong 13 pasahero. Habang naka-stop, bumaba ang driver para tingnan ang ilalim ng sasakyan ngunit bigla itong umandar.
Hindi agad napansin ng mga pasahero ang nangyayari. Tuluyang nakaladkad at nadaganan ang driver ng sariling van na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung may naging problema sa preno o iba pang bahagi ng van. Nakiramay naman ang mga pasahero sa naiwang pamilya ng driver.